Itim na Langgam
Ang daming black ants na gumagapang sa may gilid ng computer ko, dumaan sila dun sa may cable ng internet. Talino nila! :) Sabi ng nanay ko kaya daw nagkalanggam dahil dun sa kinain kong halo-halo tapos iniwan ko yung baso dito sa may table. Kaya lang hindi naman dun papunta yung mga langgam sa may pinagpatungan ko ng baso. Ayoko umasa! Dahil ayaw ko masaktan. Pero hindi mo maaalis sakin yung pag-iisip na ganito. Diba ang kasabihan pag may itim na langgam pera daw. Aba, ibig sabihin ba nito bumubuhos na pera? Ang dami kasi nung langgam. Totoo, ayaw ko talaga na umasa. Pero hanggang may nakikita akong dahilan upang umasa at hindi bumitaw hindi ko pakakawalan ito iniisip ko. Bahala na magmukhang tanga o kung ano pa man. Basta ang mahala hindi ako sumusuko sa pag-subok sa buhay na dumating sa amin at kahit papano ay nagiging matatag ako. Hindi lamang para sa sarili ko kung hindi para na din sa ibang tao na mahal ko.
(Source: leifernando)