It all started with one thing...
Connect with me


Click
About Me&My Posts
to know more about me


Random Tags JUST MEBUHAY KOALAM MO...GAWA KORANDOM FACTSABI KO..RANDOM THOUGHTQUOTESANIME
Posted: 8 months ago ● 5 notesReblog

how can I move on when I’m still in love with YOU.

Posted: 11 months ago ● 1 noteReblog

—-Wala akong magawa kanina so gumawa ako ng bow. First time ko siya gawin ko hindi pa siya ganun kaganda. Hindi pa nga proportionate yan eh.. Pero still natutuwa ako sa ngawa ko. Bukas gagawa ulit ako ng isa pa. Plaid naman ang gagawin.. Then hanap pa ulit ako ng tela na pwede ko magamit. Collection lang ang trip ko sa bows. Hahaha

(Source: leifernando)

Posted: 12 months ago ● 1 noteReblog

—-Photo taken last May 13.. Umuulan kasi nyan. Tapos ewan biglang trip ko na lang magpicture. So ayan result ng ka ewanan ko..

Posted: 1 year ago ● 1 noteReblog

[This photo was taken on April 15, 2012]

—-Kadalasan naman diba may mga nagbebenta ng kung ano ano sa mga beach? So ayan, medyo sakto kasi na hawak ko yung cam ko tapos wala akong magawa. Tapos dumating si kuya na nagbebenta ng mga knife ata yan. Di ko maalala eh, malayo din kasi ako ng konti sa kanya.

#mah work #kuya #sand #photo 
Posted: 1 year ago ● 0 notesReblog

This is the very first outcome of my MMD. This is not much, yes I know. I just downloaded the software someday ago and I am still practicing on how to handle it..

Wala kasi akong maisip na gagawin so I tried doing the superman sign. Naalala ko na naman si Pa Pao eh..

(Source: leifernando)

Posted: 1 year ago ● 0 notesReblog
#fame #quote #mah work #typo 
Posted: 1 year ago ● 6 notesReblog

—-Why do you decide to smile even if you wanna cry?

Soo not me. My friends know that! [RF] I’m so much of a cry baby. Like srsly, I cry so fast. And I cannot change that, I think that’s already a part of me. Though I get tired of crying over those stupid, silly things. Things that I am afraid isn’t even worth my tears. Things that soon made ma realize made me look so dumb. But still I can’t help it.

I cry to because it sucks.

I cry because I’m hurt.

I cry because I get tired.

I cry because feel alone.

I cry when I am sad.

I cry when I fall so hard.

I cry when I fail.

I cry to forget you.

I cry to release the pain inside.

I cry because you got hurt.

I cry because I love you.

Posted: 1 year ago ● 13 notesReblog

Ano pa ang Kulang?


Si Bryanne ay isang estudyante sa sekondarya, isang dalaga na maganda ang estado sa buhay, kung titingnan mo sa mukha, siya’y may kasungitan ngunit kung susubukan mo siyang kilalanin iba ang iyong makikita. Kapag nakita mo siya hindi mo iisipin na may malaking problema siyang hinaharap, isang problema na walang ibang makakatulong sa kanya kung paano masasagot. Siya at siya lamang ang makakahanap kung ano nga ba ang maaaring maging solusyon dito. Ni minsan ay hindi niya ipinakita sa ibang tao ang kalungkutan niya na nadarama. Ipinapakita niya na siya ay matapang at matatag; na walang problema ang hindi n’ya kaya na malagpasan. Ngunit isang araw habang mag-isa sa kanyang kwarto pumasok sa kanyang isipan ang mga katagang “Bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang laging may kulang sa aking pag-katao? Parang hindi ako makuntento, kung ano man ang mayroon ako ngaun.” Ang mga magulang niya ay kadalasang wala sa bahay,  sapagkat inaasikaso ng mga ito ang negosyo ng kanilang pamilya o kaya ay uumuuwi ng hating-gabi kaya’t pag-aalis na siya sa umaga ay tulog pa ang mga ito. Lumaki si Bryanne na ang kasama sa bahay ay ang kanilang mga kasambahay.

Isang araw sa paaralan nila habang nag-lalakad si Bryanne patungo sa kanilang klase may lumapit sa kanya, si Hilary, ang kaisa-isang kaibigan ng dalaga. “Kumusta ka Bryanne? Mag-isa ka yata ngayon.” sabi ng kaibigan niya. “Ano pa ba ang aasahan mo?” sinundan ng buntong-hininga. Nag-lakad ang dalawa patungo sa kanilang klase. Habang nag-lalakad ang dalawa narinig nila ang tungkol sa balita na mag-kakaroon daw ng programa kung saan ipapakita ng mga estudyante ang iba’t-ibang uri ng kanilang talento. Sa nasabing programa ay kailangang dumalo ng mga magulang ng mga bata upang maipakita kung ano ang kanilang kakayanan.  Napagisip-isip ni Bryanne na hindi na naman makakarating ang kanyang mga magulang dahil uunahin muna ng mga ito ang negosyo kaya hindi na nito inisip na sabihin pa sa mga ito. Espesyal ang araw na iyon para kay Bryanne sapagkat tutugtog siya ng piano sa harap ng maraming tao, na malimit niyang ginagawa. Tuwing hapon ay nag-eensayo siya sa isang silid sa kanilang bahay at pag-katapos ng ilang oras na pag-tugtog mananatili muna siya doon upang makapag isip-isip. Isang hapon ay binisita ko siya sa kanilang bahay, narinig ko ang kanyang pag-tugtog. Naramdaman ko ang lungkot sa mga ito, parang gustong ipahiwatig ng tugtuging yaon na nag-iisa ako at litong-lito, hindi ko malaman kung ano nga ba ang gusto ko. Kumatok ako sa pintuan ng silid “Bryanne, si Nadine ito, maaari ba akong pumasok?”“Tuloy ka, Ate Nadine” sagot niya sa akin. Nang makita ko pa lamang siya ay napansin ko na mukhang kagagaling lamang nito sa pag-iyak; may bahid pa ng luha ang kanyang mga mata. Tinanong ko siya kung mayroon ba siyang problema at agad naman itong nag-labas ng sama ng loob sa akin. Nararamdaman pala niya na siya ay nag-iisa kahit na may kaibigan siya sa kanilang paaralan. At minsan ay may kung anong bagay na lubusang bumabagabag sa kanya; parang may kakulangan sa kaniyang pag-katao.

Dumating ang araw ng kanilang pagtatanghal, kinakabahan si Bryanne tulad ng ibang mga mag-tatanghal. Kahit na ganoon ay may kaunting lungkot pa din sa puso ni Bryanne sapagkat hindi makikita ng kanyang mga magulang ang kanyang gagawin. Bago mag simula ang programa nakita ni Hilary si Bryanne “Kaya mo yan Bryanne, Good Luck!!! go go go!!!”nakangiting sabi ng kaibigan sa kanya. Nang tumugtog na si Bryanne tinugtog niya ang pyesa na siya mismo ang gumawa.Mapapansin na ang ibang manonood ay nang-gigilid na ang mga luha. Habang pinapanood ko siya ay may biglang humawak sa aking balikat nang tingnan ko kung sino iyon ito ang ina ni Bryanne, na may kasamang isa pang babae na hindi ko kilala ang mukha. “Mukhang ngayon ko lamang narinig ang pyesa na iyan.Napakagaling niya hindi ba?” sinambit nito. Nag-taka ako dahil naalala ko na sinabi sa akin ni Bryanne na hindi niya sinabi sa kanyang mga magulang ang tungkol dito sa programa. Matapos nitong tumugtog ay pinuntahan ko siya sa likuran ng tanghalan. “Bryanne, napaka-galing mo talaga, napahanga mo ako ng tunay”sabi ko sa kanya. “Tama ang Ate Nadine mo Bryanne, kahanga-hanga ang iyong ipinakita”ang sabi ng kanyang ina. Naiyak siya ng makita na naroon ang ina ngunit nagulat din siya  ng makita ang mga ito; nag-tataka ang dalaga kung paano nalaman ng ina niya ang tungkol sa programa. Nakita pala nito ang mga notes ni Bryanne sa kanyang kwarto. “May ipapakilala nga pala ako sa iyo, siya si…” nahinto ang ina. “Ako ang tunay mong ina Bryanne” sabi ng babae na kasama ng kinikilala niyang ina. Tumingin ito sa kinikilala niyang ina na parang nag-tatanong kung totoo nga ba. Nag-pahiwatig naman ang ina niya na totoo ang lahat ng iyon. Agad na niyakap ni Bryanne ang tunay niyang ina at sinabi na “Kaya pala parang mayroong kulang sa akin”

—-Yung story sobrang high school pa. Magtransfer kasi akong files sa flash drive tapos nakita ko to. Ginawa ko yan para sa project namin sa school. Alam ko 3 storya yung kailangan namin gawin kaya lang iyan na lang yung nakita ko. Di ko alam ko nasan na yung iba.

(Source: leifernando)

Posted: 1 year ago ● 18 notesReblog

Something is WORNG